Pangulong Duterte, nagpahayag ng pakikidalamhati sa mga nasawi sa Haiti dahil sa magnitude 7.2 na lindol

Nagpahayag ng pakikidalamhati si Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang Haiti matapos ang pagtama ng magnitude 7.2 na lindol sa bansa na ikinasawi ng maraming katao.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kasama ang maraming Pilipino ay taos-pusong nakikiramay ang Pangulo sa mga naulila ng bawat pamilya sa bansa.

Tiniyak naman ng kalihim na walang Pilipinong nadamay sa nangyari sa kabila ng pagsentro ng lindol sa Port-au-Prince kung saan naroon ang marami sa ating kababayan.


Sa ngayon, umabot na sa mahigit 1,200 ang bilang ng mga nasawi sa nangyari.

Hindi ito ng kauna-unahang pagkakataon na nakaranas ng malakas na lindol ang Haiti dahil unang tumama ang magnitude 7.0 na lindol noong 2020, na kumitil ng buhay ng nasa 220,000 katao.

Facebook Comments