MANILA – Posibleng maipagpatuloy ang usapang kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.Ito ang pahiwatig ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagbisita nito sa mga residenteng naapektuhan ng magnitude 6.7 ng lindol sa Surigao City kahapon.Ayon kay Pangulo Duterte – umaasa siyang darating ang panahon na mareresolba ang gusot sa makakaliwang grupo dahil wala siyang problema sa ideyolohiya ng mga komunista at kapitalista.Mahalaga aniya ay inuuna dapat sa mga ideyolohiyang ito ang kapakanan ng bawat Pilipino.Kasabay nito, nagbanta rin si Pangulong Duterte na ipapasara ang mga iligal na minahan sa surigao.Umaasa rin si Pangulong Duterte na tuluyan nang magkakaroon ng kapayapaan sa mindanao upang maisulong na ang pag-asenso ng rehiyon.
Facebook Comments