Naging bahagi sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 38th ASEAN Summit ang pagpapa- abot nito ng pasasalamat sa China.
Ayon kay Pangulong Duterte, kanyang ipinagpapasalamat ang naging papel ng China partikular sa naibigay nitong ambag sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa panahon ng pandemya.
Paliwang ng pangulo ang ginawang paglikha nito ng bakunang nakapagpapa- salba ng buhay na tinaguriang global public goods.
Matatandaan na nuong isang linggo naman kung saan ay tinanggap ng pangulo ang credentials ng nasa 8 bagong ambassador na itinalaga sa bansa ay nagpa-abot din siya ng kanyang pasasalamat sa mga bansang tumulong sa Pilipinas sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Kabilang dito ang Saudi Arabia, United Kingdom, United Arab Emirates, Sweden, Israel, Belgium at Malta.
Una na ring nagpahayag ng kanyang pasasalamat ang pangulo sa Estados Unidos kung saan nagsabi pa nga ang Pangulong Duterte na nais niyang magtungo ng Amerika para personal na magpasalamat dito.