Pangulong Duterte, nagpasalamat sa pangakong 1 trilyon yen ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe

Manila, Philippines – Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa pangako one trillion yen na ayuda para sa bansa.

Sa kanilang bilateral meeting, sinabi ng Pangulo na ang naturang pangako ay para sa mga infrastructure project, rehabilitasyon ng Marawi City at iba pa.

Kabilang rin sa mga ipinangakong tulong ng Japan, ang pagbibigay ng mga patrol at mga speed boats para sa Philippine Coast Guard at training programs.


Kinondena rin ni Duterte ang missile program ng North Korea.

Kinumpirma rin ni Trade Secretary Ramon Lopez na aabot sa 6 billion dollar investment ang naisara ng Pangulo para sa Pilipinas.

Ang kasunduan ay kinapapalooban ng pamumuhunan sa manufacturing, shipbuilding, agribusiness, power, renewable energy, mineral processing, retailing, information and communication technology, business process management, transportation, at infrastructure.

Samantala, ngayong araw naman ang paghaharap nina Duterte at Emperor Akihito.

Facebook Comments