Pangulong Duterte, nagpasalamat sa St. Lukes Medical Center sa tulong nito sa vaccination drive

Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa St. Lukes Medical Center sa paglahok nito sa vaccination program ng pamahalaan.

Mababatid na nasa 5,000 doses ng Sinovac vaccines ang hiniling ng ospital para sa mga manggagawa nito.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na ang partisipasyon ng ospital ay makakatulong na mai-promote ang immunization program.


Sa ulat naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang St. Luke’s ay magsasagawa ng mini rollout ng vaccination sa Taguig at Quezon City hospitals nito.

Nasupresa sila na humihingi ang St. Luke’s ng Sinovac vaccines gayung mas gusto ng kanilang hospital personnel ang Pfizer vaccines.

Ang vaccination program ay magpapatuloy sa iba pang government hospitals, kabilang ang mga military health facilities ngayong linggo.

Facebook Comments