Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Senator Bong Go sa Surigao del Sur matapos ang pananalasa ng bagyong Auring.
Matapos ang aerial inspection dumalo ang pangulo sa situational briefing sa Tandag City kasama ang mga opisyal ng pamahalaan at LGUs.
Ayon kay Go, iniutos ng pangulo ang agad na pagresponde sa pangangailangan ng mga naapektuhang pamilya.
Inatasan din ang mga miyembro ng gabinete na magpadala ng kani-kanilang kinatawan sa Surigao del Sur para i-assess ang kabuuang pinsala ng bagyo.
Tiniyak naman ng Department of Transportation na maglalagay ng runway lights sa Tandag Airport habang ang Department of Public Works and Highways ay makikipag-ugnayan sa Surigao del Sur LGU sa mga kailangang gamit para maisaayos ang mga kalsada.
Tiniyak naman ng Philippine National Police ang pagpapatupad ng peace and order at pagtugon sa insurgencies sa lugar.