BACOLOD CITY – Nag-sorry si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jewish Community hinggil sa kontrobersyal niyang pahayag tungkol sa Nazi Leader na si Adolf Hitler.Sa kanyang talumpati sa 37th annual Masskara Festival sa Bacolod City, sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga tao na mismo kasi ang nagsabi noon na mamamatay-tao siya… kung saan inihalintulad pa siya kay hitler kaya’t sinabi na rin nito na isa siyang killer.Pero ayon kay Pangulong Duterte, wala siyang intensyon na maliitin ang ala-ala ng mahigit anim na milyong hudyo na pinatay ng mga Germans.Matatandaang nakisali na rin ang united nations sa sabay-sabay na reaksyon ng international community sa kontrobersyal na pahayag ni Pangulong Duterte.Samantala… Muli namang ipinaalala ni Pangulong Duterte ang una niyang ini-utos noon na huwag nang pahirapan ang mga tao sa pag-pila kapag may ginagawang transaksyon sa mga government offices.Kapag nabigo anya, ang isang ahensiya na matapos ang transaksyon o maibigay ang kailangang dokumento sa loob ng tatlong araw, ay susulat ito sa kanya para ipaliwanag kung ano ang dahilan at kung bakit hindi ito nagawa.
Pangulong Duterte, Nagsorry Sa Jewish Community Kaugnay Ng Kanyang Hitler Statement
Facebook Comments