Pangulong Duterte, nagtalaga na ng ‘vaccine czar’

Nakapagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte na ‘vaccine czar’ nitong dalawang buwan na ang nakakalipas.

Nabatid na nanawagan si Senator Ralph Recto sa Palasyo na magtalaga ng vaccine czar na magreresolba ng posibleng magiging problema mula sa pag-angkat hanggang sa paggamit ng COVID-19 vaccine sa 110 milyong Pilipino.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi muna papangalanan ang nasabing vaccine czar hangga’t walang anunsyo mula kay Pangulong Duterte.


Sinabi rin ni Roque na ang mga ambassador ng Pilipinas sa mga bansang nagde-develop ng bakuna ay pro-active na nakipag-uugnayan sa mga kumpanya para matiyak na mabibigyan ang Pilipinas ng kanilang potential vaccine.

Nabatid na nakiisa ang Pilipinas sa COVID-19 Vaccines Global Access o COVAX Facility na layong magkaroon ng patas na access ang mga bansa sa bakuna.

Facebook Comments