Pangulong Duterte, nagtalaga ng bagong DOH undersecretary

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dr. Leopoldo Vega bilang bagong undersecretary ng Department of Health (DOH) sa gitna ng hakbang ng pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Si Vega ay kasalukuyang pinuno ng Southern Philippine Medical Center na matatagpuan sa Davao City.

Ang appointment ng bagong health official ay inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque.


Bago ito, nagbanta si Pangulong Duterte na sisibakin ang mga opisyal na inaantala ang pamamahagi ng benepisyo sa mga healthcare workers na namatay o nagkasakit dahil sa COVID-19.

Hindi katanggap-tanggap kay Pangulong Duterte ang mabagal na pamimigay ng death at sickness benefits sa mga health workers lalo na at noong Marso pa ganap na batas ng Bayanihan to Heal as One Act.

Sa ilalim ng batas, bibigyan ng pamahalaan ng ₱100,000 sa public at private health workers na nagkasakit dulot ng virus habang ₱1 million naman para sa mga pamilya ng mga namatay sa virus habang nasa linya ng kanilang tungkulin.

Facebook Comments