Pangulong Duterte, naiinip sa aksyon ng kongreso tungkol sa Pederalismo

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na naiinip na si Pangulong Rodrigo Duterte sa tagal ng Kongreso sa pagpasa sa pagpapalit ng porma ng Pamahalaan patungo sa Pederalismo.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, walang nakikita si Pangulong Duterte na kongkretong hakbang na ginagawa ng Kongreso Para maisabatas ang Pederalismo kaya ito ay naiinip na.

Binigyang diin ni Panelo na hindi naman kaya ni Pangulong Duterte na gawin ito mag-isa at kailangan talaga nito ng tulong ng Kongreso.


Pero sakali naman aniyang matatagalan talaga ang Pederalismo ay mas mainam na unahin nalang muna ang pag-amiyenda sa mga economic provisions ng Saligang batas upang mas mapaganda pa ang ekonomya ng bansa at makapasok na ang mas maraming foreign investments.

Facebook Comments