Pangulong Duterte, nais ang utay-utay na pagbabayad ng tuition

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga eskwelahan na payagan ang pautay-utay na pagbabayad ng tuition fees kasabay ng nalalapit na pagbubukas ng klase sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ang apela ng Pangulo matapos i-endorso ng Department of Education (DepEd) ang blended o flexible learning para maprotektahan ang mga guro at estudyante mula sa banta ng virus.

Sa televised address, makakatulong ang staggered payment schemes o installment para maibsan ang problema ng mga magulang sa pagbabayad ng tuition ng kanilang mga anak.


Batid niya na nasagad ang pamahalaan sa finances nito pero tiniyak niya na ipaprayoridad pa rin ang edukasyon.

Aniya, ang kinabukasan ng bansa ay nakadepende pag-aaral ng mga kabataan.

Maaaring manghiram ng pera sa Landbank of the Philippines (LBP) ang mga magulang na nahihirapang magbayad ng tuition ng kanilang mga anak.

Pinuri rin ni Pangulong Duterte ang planong pagpapatupad ng distance learning tulad ng paggamit ng online platforms, printed modules, at programa sa radyo at telebisyon.

Facebook Comments