Iginiit ng Malacañang na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumalaw sa burol ni dating Pangulong Noynoy Aquino III.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, si Pangulong Duterte ay nasa Manila noon at may meeting sa ilang opisyal ng Bangsamoro Region ukol sa panukalang extension ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).
“There was a personal conversation with members of the family. Noong Huwebes matapos po ang meeting namin with the BARMM officials…tinigil na nga niya iyong aming discussion at 11:00 p.m. kasi sabi niya gusto niyang pumunta doon sa lamay ni dating Presidente Noynoy Aquino. Sinabi pa niya in public, ‘Noynoy was a friend, not a close friend, but a friend. I supported him in 2010 elections pero hindi ko sinuportahan iyong kaniyang successor’,” sabi ni Roque.
Aniya, naabisuhan noon si Pangulong Duterte na ang urn o lalagyan ng abo ng dating pangulo ay nailipat na sa kanyang private residence sa Times Street kaya hindi na siya nakapunta.
Hindi rin dumalo ang pangulo sa libing ni PNoy para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.