Pangulong Duterte, nais magkaroon ng libreng COVID-19 testing sa mga government facilities sa susunod na taon

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DOH) na pag-aralan kung paano makakapagbigay ng libreng coronavirus tests sa government health facilities.

Sa kanyang ‘Talk to the Nation’ Address, inatasan ni Pangulong Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na alamin kung may pondo para rito.

Target din ng Pangulo na ipatupad ang libreng COVID-19 testing sa second quarter ng 2021 dahi naniniwala siyang hindi agad mawawala ang virus.


Sa datos ng DOH, nasa higit 5.6 million Filipinos na ang na-test para sa COVID-19.

Facebook Comments