Pangulong Duterte, nais malaman kung illegal drug user ang lalaking sangkot sa car chase na si Arvin Tan

Gustong malaman ni Pangulong Rodrigo Duterte kung nadawit na ba sa ilegal na droga si Arvin Tan.

Si Tan, ang lalaking nasangkot sa matinding habulan mula Quezon City hanggang Maynila noong nakaraang linggo.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ng pangulo na napanood niya sa mga balita na tumangging magpaaresto si Tan sa mga pulis na nauwi sa habulan.


Dapat aniyang malaman kung lulong ba sa droga si Tan.

Noong July 13, si Tan ay tumangging magbayad ng kanynag bill makaraang mag-check out siya mula sa isang budget-hotel, at inatasan pa ang hotel staff na bigyan siya ng 20,000 pesos.

Ito ang hudyat para tawagan ng staff ang mg pulis, pero nang dumating ang mga pulis ay agad na tumakas si Tan gamit ang kanyang itim na BMW na sasakyan.

Dito na nagkaroon ng habulan kung saan maraming sasakyan ang kanyang nabundol.

Sa kanyang pagkaka-aresto, nasabat sa kanya ang sachet na naglalaman ng shabu.

Si Tan ay nahaharap sa paglabag ng Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Person, Dangerous Drugs Act, Estafa, Reckless Imprudence Resulting in Damage to Government Property, at Resistance and Disobedience to a Person in Authority.3

Facebook Comments