Nakapulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang mga lider ng Kongreso para talakayin ang mga hakbang para malabanan ang korapsyon at red tape sa pamahalaan.
Ayon kay Senator Christopher Lawrence Go, nagtagal ang pulong ng higit isang oras.
Sinabi ni Go na handang dumalo si Pangulong Duterte sa mga pagdinig ng Kongreso bilang resource person para sa pagbuo ng guidelines laban sa korapsyon at red tape.
Bukod kay Senate President Tito Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano, present din si House Majority Leader Martin Romualdez.
Facebook Comments