Pangulong Duterte, nakatakdang bumisita sa isla Boracay paraipakitang ligtas ang bansa sa COVID-19

Kalibo, Aklan – Sa Marso 12 nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa sikat na isla ng Boracay.

Ito ang unang beses na bibita ang pangulo pagkatapos sumailalin sa rehabilitasyon.
Matatandaan tinawag na “cesspool’ ang Boracay sa duming dulot ng mga paglabag ng mga establisyemento.

Ito rin ang nagtulak at isara ang isla noon 2018.


Samantala, isa rin sa mga layunin ng pangulo sa pagbisita sa isla ay para ipakita sa publiko na ligtas ang pamamasyal sa isla sa kabila ng banta ng Coronavirus Disease 2019.

Matatandaan na nag-implementa ang Pilipinas ng travel bans sa mainland China, na epicenter ng COVID-19 outbreak at sa ibang piling mga bansa na may napaulat na mga kaso.

Facebook Comments