Grade 9, patay sa suntok ng inasar na kaklase

Patay ang isang 17-anyos na estudyante matapos suntukin ng binirong kaklase, Martes ng hapon sa Pigcawayan, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Jessie Pulpul, grade 9 student ng Pigcawayan National High School.

Ayon sa pulisya, naglilinis ng classroom ang biktima at 15-anyos na kaklase nang mangyari ang insidente.


Nagkabiruan umano ang magkaklase hanggang nagkapikunan at magsuntukan sa harap ng mga kaklase.

Napuruhan sa batok ang biktima at nawalan ng malay.

Isinugod pa sa clinic si Pulpul bago inilipat sa ospital dahil sa malalang lagay.

Sinubukan pa siyang i-revive, ngunit binawian din ng buhay ilang sandali.

Nasa kostudiya na ng social welfare department ang menor de edad na suspek.

Facebook Comments