Pangulong Duterte nakatuon sa vaccine rollout, hindi sa VP bid – Roque

43

Wala pa ring desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung tatakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may mga mahahalagang bagay ang pinagtutuunan ngayon ng pangulo partikular ang COVID-19 vaccination campaign ng pamahalaan.


Aniya, mahalaga ang pagbabakuna ng mga Pilipino para maging maayos ang pagsasagawa ng halalan sa susunod na taon.

Nabatid na naglabas ng resolusyon ang PDP-Laban na humihikayat kay Pangulong Duterte na tumakbo sa pagkabise presidente sa susunod na eleksyon.

Facebook Comments