Pangulong Duterte, nakipagpulong sa mga opisyal ng BARMM, LGU officials, AFP at PNP area commanders sa Maguindanao

 

Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan sa mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ilang local government officials at mga Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) Area Commanders sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ngayong araw.

Tinalakay rito ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga puwersa ng gobyerno at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ininspeksyon din ng Pangulong Duterte ang ilang mga na-recover na armas sa nangyaring bakbakan laban sa mga rebelde.


Kasunod nito, siniguro ng Pangulo ang kanyang buong suporta para sa ikatatagumpay ng BARMM.

Hinikayat din nito ang lahat ng sangay ng pamahalaan na suportahan ang BARMM sa kanilang adhikain upang matupad na ang matagal na nilang pinapangarap na magkaroon ng isang mapayapa at maunlad na Mindanao.

Facebook Comments