Pangulong Duterte, nakiusap sa Kongreso na ipasa ang priority bills para sa pagbangon ng ekonomiya

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na agarang pagpasa sa ilang priority bills ng administrasyon.

Partikular ang ilang tax reform measures na layong makabangon ang ekonomiya mula sa impact ng COVID-19 pandemic.

Kabilang sa mga administration bills na inendorso ni Pangulong Duterte ay ang panukalang Comprehensive Tax Reform Program, maging ang pag-amiyenda sa Retail Trade Liberalization Act, Foreign Investments Act, at ang Public Service Act.


Sa tulong ng Kongreso, tiwala si Pangulong Duterte na maisusulong ang legislative agenda para sa pag-angat ng bawat ng bansa.

Umapela rin si Pangulong Duterte na magkaroon ng kooperasyon ang mga government agencies lalo na at patuloy na ginagawa ang mga kongkretong hakbang para buhayin muli ang ekonomiya at matulungan ang mga taong makabangon mula sa epekto ng pandemya.

Dapat masunod ang whole-of-nation approach para sa tuluy-tuloy na pagtugon sa mga pagsubok na kinakaharap ng bansa.

Pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang Kongreso sa pagpasa sa mga kinakailangang batas, patunay na mayroong maayos na kolaborasyon sa pagitan ng ehekutibo at lehislatura.

Facebook Comments