Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kapartido sa Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na panatilihin ang pagkakaisa habang pinagtitibay ang kanilang alyansa sa harap ng paghahanda sa nalalapit na May 2022 elections.
Sa kanyang pre-recorded message, nakiusap siya sa mga miyembro ng partido na huwag pairalin ang personal interest pero ang principles at values ng partido.
Hinimok din ni Pangulong Duterte sa mga kapartido na maging totoo sa kanilang misyon na iprayoridad ang kapakanan ng mga Pilipino lalo na ngayong pandemya.
“Over the years, the PDP-Laban has revolutionized our country’s political landscape by pursuing genuine reforms and good governance at both the national and local levels. I thus, urge all my partymates to stay true to the party mission which has always been to prioritize the welfare of the people,” sabi ni Pangulong Duterte.
“As we continue to overcome the COVID-19 pandemic, we continue to work together in pursuing the initiatives that will strengthen gains in good governance especially those that will foster lasting peace and progress for our nation,” dagdag pa ng Pangulo.
Pakiusap din ng Pangulo, na itaguyod ang good governance at genuine reforms sa national at local levels.