Quezon City Memorial Circle, bubuksan muli para sa mga aktibidad na pang-ehersisyo

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na muling bubuksan sa publiko ang Quezon Memorial Circle.

Isinara ngayong Lunes ang Quezon City Memorial Circle (QCMC), sa layuning hindi dagsain ng mga tao sa panahong ginugunita ang Araw ng mga Santo.

Batay sa advisory, papayagan lang ang mga aktibidad na pang ehersisyo sa loob ng QMC mula November 2, hanggang November 5, 2021, mula 5:00 AM hanggang 5:00 PM.


Pinapanatili pa rin ang 80% Capacity limit sa QCMC.

Gayundin ang pagpapanatili ng iba pang health protocols upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19

Facebook Comments