Nagpaabot ng pakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mananampalatayang Katoliko ngayong ipinagdiriwang ang pista ng Itim na Nazareno.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ng Pangulo na bagama’t ang pagdiriwang ngayon ay hindi kagaya ng nakagawian ay nanawagan siyang patuloy na manalangin para sa pagbangon ng bansa mula sa kinakaharap na COVID-19 pandemic.
Aniya, bilang isang Katolikong bansa ay umaasa siyang magkakaroon ng pagkakaisa ang Pilipinas para sa kinabukasan na mayroong kapayapaan, pag-unlad at pagmamahal para sa lahat.
Sa ngayon, sarado ang simbahan ng Quiapo at mahigpit na binabantayan ng mga tauhan ng Philippine National Police upang maiwasan ang pagpunta ng mga deboto dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Patuloy naman ang paghikayat ng pamunuan ng Quiapo Church sa mga deboto na magsimba na lamang sa online masses.
Ginugunita sa taunang Traslacion ang paglipat ng imahe ng Nazareno mula sa orihinal nitong kinalalagyan sa Intramuros patungo sa Minor Basilica of the Black Nazarene.