Militar, Muling Nakarekober ng Dalawang Armas Pandigma ng NPA

42
Cauayan City, Isabela- Muling nakadiskubre ng dalawang (2) matataas na kalibre ng armas ang mga tropa ng 17th Infantry Battalion sa Sitio Daligan, Barangay San Juan, Rizal, Cagayan.

Ang pagkakarekober ng dalawang M16A1 Rifle Elisco 5.56mm na nakabalot ng plastic ay resulta ng sumbong ng isang dating rebelde na si alyas “Frank”.

Ayon kay alyas “Frank”, ang dalawang armas ay ipinagkatiwala sa kanya ng dating kasamahan sa kilusan sa ilalim ng Komiteng Probinsya (KOMPROB) Cagayan-Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV).

Mas mabuti aniya na mapasakamay na sa kasundaluhan ang naturang mga armas upang hindi na muling magamit ng NPA sa karahasan o bakbakan.

Nasa kustodiya na ng 17th IB ang dalawang narekober na armas at isasailalim sa remuneration.

Pinasalamatan naman ni MGen Laurence E Mina, Commander ng 5th Infantry Division si alias Frank sa pagtulong sa mga sundalo para sa pagkakaroon ng kapayapaan sa kanilang komunidad.

Facebook Comments