Kasabay ng pagsalubong saBagong Taon, umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang pilipino ng pagkakaisa lalo pa’t nagpapatuloy pa rin ang laban kontra COVID-19.
Sa New Year’s message ng pangulo, sinabi nitong kinakailangan ng whole-of-nation approach upang tayo ay makarekober mula sa dagok na dulot ng pandemya at ng mga nagdaang kalamidad.
Nanawagan din ang presidente ng totoong pagmamalasakit at pagbabago sa pagsisimula ng 2022.
Sa pagsalubong ng Bagong Taon, umaasa pangulo na gagamitin natin ang mga karanasan mula sa mga nakalipas na taon upang tayo ay mas maging matatag at ipamalas ang ating bayanihan spirit.
Hindi rin nito nakalimutang magpasalamat sa mga medical workers, essential frontliners, uniformed services, civilian personnel at nga volunteers para sa kanilang walang sawang sakripisyo para labanan ang COVID-19.
Panghuli, umaasa ang pangulo na patuloy tayong gagabayan ng Poong Maykapal para maisulong kung ano ang mas makakabuti sa ating pamilya, sa ating komunidad at sa buong bansa.