Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na iwasan muna ang Christmas parties at iba pang gatherings ngayong taon sa harap pa rin ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang ‘Talk to the Nation Address,’’ umapela ang Pangulo sa lahat na palipasin muna ang Pasko ngayong taon para na rin sa ikabubuti ng lahat.
Nais lamang ng pamahalaan na maiwasan na marami pang tao ang magkasakit dulot ng virus.
Humihingi rin ng pang-unawa ang Pangulo sa mga ipinapatupad na restrictions ngayong Christmas season.
Una nang pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na ipagdiwang ang Christmas celebrations kasama ang immediate members ng pamilya.
Para naman kay Interior Secretary Eduardo Año, ang family reunions ay ikinokonsiderang mass gatherings at hindi akmang gawin ngayong may pandemya.