Pangulong Duterte, iginiit sa asawa ni Mabilog na “Walang moving on”

Sinupalpal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang misis ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog at iginiit walang ‘move on’ lalo na kung ang kanyang asawa ay sangkot na ilegal na droga.

Sa kanyang ‘Talk to the Nation’ Address, sinabi ni Pangulong Duterte na ang pagkaka-dismiss ni Mabilog sa public office ay hindi kanyang desisyon, kundi pasya ito ng Ombudsman.

Dagdag pa ng Pangulo, hindi niya kasalanan kung napasama ang dating alkalde sa listahan ng mga tiwaling opisyal.


Iginiit ng Pangulo na hindi maaaring gawin ng public official ang lahat ng gusto nito dahil kailangang naaayon ito sa interes at ikabubuti ng mamamayan.

Si Mabilog na na-dismiss ng Ombudsman noong 2017 dahil sa kwestyunableng yaman sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) mula 2012 hanggang 2013.

Facebook Comments