Pangulong Duterte, nangakong itataguyod ang human rights at susuportahan ang BARMM

Muling tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy niyang itataguyod ang karapatang pantao at isulong ang social welfare sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ang mensahe ng pangulo kasabay ng foundation anniversary ng BARMM.

Ayon sa Pangulo, mananatiling determinado ang administrayon sa pagprotekta sa human rights at pagsuporta sa BARMM.


Sinabi ng Pangulo na maraming hamon ang kinakaharap ngayon ng BARMM na pinatindi pa ng COVID-19 pandemic.

Kaya ipinag-utos niya sa lahat ng government agencies na magbigay ng suporta sa BARMM.

Naghayag din ng suporta si Pangulong Duterte kay BARMM Chief Minister Al Haj Murad Ebrahim.

Samantala, ikakasa sa January 25 ang isang information campaign na layong isulong ang kapakankan ng mga kababaihan, kabataan at non-Moro indigenous people para mapalakas ang kanilang partisipasyon sa democratic governance ng BARMM.

Facebook Comments