Nangangamba si Pangulong Rodrigo Duterte sa karahasan na dala ng teroristang grupong ISIS.
Ito ang inamin ng Pangulo sa oath taking ceremony ng mga bagong talagang opisyal sa Malacañang ngayong gabi.
Ayon sa Pangulo, hindi naman siya basta nadadala sa mga terorista dito, gayunpaman kinatatakutan niyang mangyari na maraming mga inosenteng tao ang madadamay, tulad ng nangyayari sa Iraq at Syria na nakakaranas ng kaguluhan dahil sa ISIS.
Sinabi ng Pangulo na nananalangin at katunayan ay lumuluhod pa siya sa Panginoon upang ilayo ang Pilipinas sa kasamaan at kalupitan ng teroristang ito.
Facebook Comments