Pangulong Duterte, nanibak na ng miyembro ng gabinete dahil sa issue ng katiwalian

136

Manila, Philippines – Kinumpirma na ngayon ng Palasyo ng Malacañangna sinibak na ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi si Interior Secretary IsmaelSueno.

 
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, lost intrust and confidence ang naging dahilan ng pangulo kung bakit niya sinibak si Suenosa posiyon.

 
Sinabi ni Abella na inanunsiyo ni Pangulong Duterte angpagsibak kay Sueno bago matapos ang ika 14 na cabinet  meeting kahapon.

 
Binigyang diin naman ni Abella na patunay lamang ito nawalang sinisino si Pangulong Duterte sa issue ng katiwalian kahit pa miyembrong kanyang gabinete kahit pa malaki ang naging papel nito sa kampanya ngpangulo.

 
Nabatid na inireklamo si Sueno ng tatlo nitongundersecretary dahil umano sa katiwalain at pag-abuso sa kapangyarihan.

 
Matagal na rin namang sinasabi ni Pangulong Duterte nahindi niya kukunsintihin ang katiwalian sa kanyang administrasyon dahil ito angisa sa kanyang mga ipinangako sa taumabayan.

Facebook Comments