Dalawang holdaper, patay sa engkwentro sa operatiba ng QCPD

Manila, Philippines – Patay ang dalawang holdaper mataposna maengkwentro ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ngQCPD   holdapin nito ang Unioil GasolineStation sa V. Luna Brgy. Pinyahan QC.

 
Ayon kay Jerelyn Layugan cahier na naturang gasoline Stationpasado alas dose ng hating gabi ng lumapit ang dalawang hindi nakilalangholdaper sa Mapang-akit Street kanto ng V Luna, Brgy Pinyahan, QC. At nagdeklara ng holdap nilimas ang mahigitanim na raang pisong kinita sa naturang gasoline Station.

 
Ayon naman kay QCPD District Director Chief Supt.Guillermo Eleazar bago ang panghoholdap nakatanggap sila ng impormasyon nahoholdapin ang naturang gasoline Station kayat agad na nagpadala ng mga pulissi Eleazar at pinostehan ang lugar.


 
 Nabulaga nalamangang dalawang holdaper nang maispatan ang mga pulis nagkaroon ng habulanhanggang sa maabutan ang isa malapit sa Pinyahan Elemenrary School at pinaputukan ang mga pulis kayat gumantirin ng putok ang mga operatiba ng DSOU-QCPD na nagresulta sa agarang kamatayanng suspek habang ang isa naman ay naabutan sa 2nd floor ng Street Wise Bar& Restaurant  at doon napatay ng mgapulis.

 
Narekober sa dalawang holdaper ang dalawang kalibre 38baril na ginamit sa pangholdap.

Facebook Comments