Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya sususpendihin ang lisensiya ng e-sabong.
Ito ay sa kabila ng mga panawagan na patigilin na ang operasyon dahil sa mga nasisirang buhay at ang isyu ng mga nawawalang sabungero.
Sa kaniyang Talk to the People, sinabi ni Pangulong Duterte na kumikita ang gobyerno sa e-sabong at ginagamit ang pondo nito para sa iba’t ibang programa ng pamahalaan.
Samantala, una nang inatasan ng pangulo ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero at binigyan din sila ng 30 araw para isumite ang kanilang findings.
Facebook Comments