Party-list groups, ginagamit lamang umano ng mga makakaliwang grupo ayon kay Pangulong Duterte

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag iboto ang mga party-list groups na sumusuporta sa mga makakaliwang grupo.

Sa kaniyang Talk to the People, binanggit ng pangulo ang ilang Makabayan party-list groups na ginagamit lamang umano ng Communist Party of the Philippines.

Kasunod nito, nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi lamang ang mga makakaliwang grupo ang kaniyang binabatikos kundi kasama na rin ang mga mayayamang negosyante na ginagamit ang party-list system para sa kanilang pansariling interes.


Kahapon, ipinagdiriwang ng New People’s Army ang ika-53 anibersaryo ng kanilang pagkakatatag kung saan ipinag-utos nila na paigtingin pa ang recruitment ng mga bagong miyembro.

Facebook Comments