Pangulong Duterte, naniniwalang kumikita ng bilyon ang mga lider ng NPA mula sa pangingikil

Muling kinalampag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang New People’s Army (NPA) na patuloy na nakikipaglaban sa pamahalaan habang ang kanilang mga lider ay nagpapakasasa sa abroad.

Sa mensahe ng pangulo sa dinaluhan nitong joint national at regional ELCAC meeting sa Butuan city, sinabi ng pangulo na sa halos 54 taon ay wala namang napala ang mahihirap na myembro ng NPA.

Aniya, tanging mga lider ng komunistang grupo ang siyang nangingikil sa mayayamang negosyante.


Sa pagtaya pa ng pangulo, kumikita ang komunistang grupo ng isang bilyong piso o higit pa kada taon mula sa pangingikil sa mga negosyante.

Kasunod nito, iginiit ng pangulo ang kahalagahan ng pagbabalik loob sa gobyerno.

Aniya, may alok na pera, pabahay at hanapbuhay para sa mga rebeldeng nagbalik loob.

Sa katunayan, nasa 180,000 ektaryang lupain na ang kanyang naipamigay sa mga sumurender na NPA.

Facebook Comments