Pangulong Duterte, nasa Cambodia na para sa World Economic Forum

Manila, Philippines – Nasa cambodia na si PangulongRodrigo Duterte para dumalo sa World Economic Forum (WEF) ngayong araw.
 
Pasado alas-7:00 ng gabi (oras sa Pilipinas)nang dumating sa Cambodia ang pangulo kasama ang common law wife na si HoneyletAvanceña at anak na si Kitty.
 
Bitbit ni Pangulong Duterte angipinagmamalaking ‘Dutertenomics’ na kanyang ipiprisinta sa harap ng matataas nabusiness leaders.
 
Bilang kasalukuyang chairman ng ASEAN, si PangulongDuterte ang magbubukas ng plenary kung saan ito ang pangkakataon ng pangulo namaipaliwanag sa harap ng mga delegado ng W-E-F partikular sa mga investor angtungkol sa ‘Dutertenomics’.
 
Nakapaloob sa ‘Dutertenomics’ ang mgainfrastructure projects na layong paunlarin ang transportasyon at komunikasyonng Pilipinas.
 
Ayon kay Foreign Affairs UndersecretaryManuel Teehankee – isa itong oportunidad para maibenta ni Pangulong Duterte samga pinakmayayamang negosyante at lider sa ASEAN ang tungkol sa ‘Dutertenomics’.
 
Bukod sa mga top level forum kung saanmakakasama ng pangulo ang ilang business at economic ministers ng iba’t-ibangbansa…makakapulong din ng pangulo ang top 50 CEO sa isang sesyon ng W-E-F.
 
Wala namang naka-schedule na bilateralmeeting si Pangulong Duterte kay Cambodian Prime Minister Hun Sen.

Facebook Comments