Pangulong Duterte, natanggap na ang kanyang National ID

Natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang bagong National Identification Card.

Ang brand new Philippine Identification System (PhilSys) ID card ay personal na ibinigay ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karlo Kendrick Chua sa Pangulo.

Ipinadala ni Chua ang National ID ng Pangulo higit isang buwan pagkatapos niyang magparehistro.


Bukod kay Pangulong Duterte, natanggap na rin nina Senator Christopher Go at Executive Salvador Medialdea ang kanilang ID.

Matatandaang nag-apply ang Pangulo ng National ID matapos magsagawa ang NEDA ng mobile registration sa Malacañang noong Enero.

Noong Agosto 2018, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11055 o Philippine Identification System Act na layong magtatag ng national ID system para pagsamahin na lamang sa iisang ID ang ilang government IDs.

Facebook Comments