Nagbigay ng paglilinaw si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa unang binitiwan nitong salita sa kaniyang talumpati sa harap ng mga bagong halal na opisyal ng pamahalaan kanina sa Malakanyang.
Sinabi kasi kanina ng Pangulo sa talumpati na iaalok niya kay Vice President Leni Robredo ang kaniyang law enforcement power hinggil sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga, at pwede aniya niya itong gawin sa loob ng anim na buwan.
Kasunod nito binawi ng pangulo ang unang sinabi at nilinaw na wala siyang isu-surrender na anupaman kay VP Leni.
Bagkus ang kaya nyang i-alok sa pangalawang pangulo kung nanaisin nito na maging drug czar sa loob ng anim na buwan
Sa katunayan, pwede aniya niyang italaga ito ngayong gabi mismo at bukas na bukas din ay pwede na itong magsimula sa kaniyang trabaho.