TOKYO, JAPAN – Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging matibay ang ugnayan ng Pilipinas at Japan.Sa kanyang talumpati sa Philippine Economic Forum sa Tokyo – pinuri ng Pangulo ang Japan bilang katuwang ng Pilipinas sa mga proyektong pang-ekonomiya.Pinasalamatan din niya ang Japan dahil sa aniya’y peace building efforts nito para sa Mindanao.Sa kanyang talumpati, nilinaw din ni Duterte na sumentro lamang sa usaping pang-ekonomiya ang naging state visit niya sa China.Wala umano silang napag-usapang military alliance dahil aniya, hindi niya kailangan ang mga missile o gamit pandigma dahil mas interesado siyang makalikom ng investment para sa bansa.
Facebook Comments