Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa September 7 ang Decommissioning sa armas at mga combatant ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon kay Presidential Adviser on the peace process Carlito Galvez Jr., magsisimula ang decommissioning process sa 1,026 combatants at 920 weapons.
Target ng gobyerno na ma-decommission ang 12,000 mula sa 40,000 MILF fighters at 3,000 armas mula September 2019 hanggang March 2020.
Bubuo din ang Gobyerno ng Joint Peace and Security Teams na binubuo ng 3,000 dating MILF fighters, 1,600 na pulis at 1,400 na sundalo.
Facebook Comments