Pangulong Duterte, patuloy aniyang ipagtatanggol si DOH Sec. Francisco Duque kahit pa ikabagsak nito!

“Ipagtatanggol ko si Duque, kahit ikabagsak ko pa”

Ito ang paninindigan at sagot ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng mga panawagang sibakin niya sa pwesto si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III dahil sa “deficiencies” sa multi-bilyong pisong pondo sa COVID-19 response noong 2020 na inilabas ng Commission on Audit (COA) report.

Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte ngayong umaga, hinamon niya ang kanyang mga kritiko na bigyan sya ng rason para paalisin niya sa pwesto si Duque.


Giit ng pangulo, siya ang nakiusap na kunin si Duque bilang kalihim ng DOH kaya siya ang may responsiblidad dito.

Binigyang-diin ng pangulo na hindi makatarungan para kay Duque na sibakin lalo na’t wala naman itong kinalaman sa korapsyon sa gobyerno.

Para sa pangulo, handa niyang ipagtanggol ang kanyang mga kalihim na maayos at walang bahid ng korapsyon na nagta-trabaho kahit ikabagsak pa niya ito.

Facebook Comments