Pangulong Duterte, kumambyo matapos batikusin ang COA; mandato ng komisyon, kinilala!

Matapos batikusin sa nakaraang public address, kumambyo ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte at kinilala ang trabaho ng Commission on Audit (COA).

Sa kanyang Talk to the People na inere kaninang umaga, sinabi ni Pangulong Duterte na alam niyang hindi personal ang inilabas na annual report ng COA sa mga sangay ng pamahalaan at ginagawa lang nila ang kanilang tungkulin, batay sa mandato ng Saligang Batas.

Pero, binigyang-diin ng pangulo na may epekto ang audit reports sa mga ahensya ng gobyerno lalo na ngayong tumitindi na ang politika dahil sa nalalapit na halalan.


Para matuldukan na ang nasabing isyu, sinabi ni Duterte na may Executive Order (EO) patungkol sa transparency noon pang 2016 at handa siyang ibigay ang mga dokumento sa publiko.

Facebook Comments