Pangulong Duterte, patuloy na pinag-aaralan ang mga opsyon ukol sa VFA – Palasyo

Hinimok ng Malacañang ang publiko na maghintay kung talagang magpapadala ang Estados Unidos ng bakuna sa Pilipinas bago tanungin kung paano ito makakaapekto sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng mga ulat na plano ni US President Joe Biden na magpadala COVID-19 vaccines sa mga kaalyado nitong bansa tulad ng Pilipinas.

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangan pa ng pangulo ng dagdag pa panahon para magpasya kung pananatilihin o tuluyan nang ibabasura ang kasunduan.


“HIndi pa po natin alam kung meron talagang darating at kung magkano o ilan ang darating. So anatayin po muna natin dumating,” sabi ni Roque.

Masusing pinag-iispan aniya ni Pangulong Duterte ang isyu sa VFA.

Ang VFA ay nilagdaan noong 1998 na nagpapahintulot sa joint military exercises sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Pilipinas.

Facebook Comments