Pangulong Duterte, personal na sasalubungin ang pagdating ng AstraZeneca vaccines

Personal na tatanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ngt 3.5 million doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaabangan na lamang ng Pangulo kung kailan darating ang mga bakuna.

Aniya, pasasalamatan ni Pangulong Duterte ang World Health Organization (WHO) at ang United Kingdom dahil sa paglalaan ng bakuna sa Pilipinas.


“He’s on standby, to being in the airport to receive the delivery of the COVAX vaccine, AstraZeneca, kung kailan po ito mangyayari ‘no. Kahapon po nagbigay siya ng order, sabihin lang sa kanya kung kailan darating at sasalubong din po siya,” sabi ni Roque.

Pero sinabi naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na wala pang tiyak na petsa kung kailan darating ang bakuna dahil sa supply at logistic issues.

Facebook Comments