Pangulong Duterte, pina-aalis ang United Nations at European Union

Manila, Philippines – Posibleng putulin na umano ng Pilipinas ang diplomatic ties nito sa European countries.

Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng banta ng pitong European parliaments na bumisita sa bansa kamakailan sa posibleng sanction ng United Nation sa Pilipinas dahil sa war on drugs.

Sa kanyang talumpati sa Malacañang kahapon, iginiit niya ang pagkakaroon ng independent foreign policy ng Pilipinas.


Kaugnay nito, inutusan daw niya si Finance Sec. Sonny Dominguez na huwag nang tumanggap ng donasyon mula sa United Kingdom.

Posibleng itigil na rin ng bansa ang pag-export ng mga produkto sa western countries.

Hinamon naman ni Duterte ang mga ambassador ng European countries na umalis na sa bansa sa loob ng 24 na oras.

Samantala, nilinaw ng European Union na hindi isang “European Union Mission” ang ginawang pagbisita sa Pilipinas ng International Delegates of the Progressive Alliance noong October 8 hanggang 9 na siyang nagpahayag ng protesta sa umano’y extra judicial killings sa bansa.

Facebook Comments