Pangulong Duterte, pina-iimbestigahan sa COMELEC ang mga nagka-aberyang VCMs noong halaan

Pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections (COMELEC) ang mga Vote Counting Machines (VCMs) na nagka-aberya noong May 9 para alisin ang pagdududa ng publiko sa integridad ng resulta ng halalan.

Ayon kay Pangulong Duterte, bagama’t wala siyang nakitang dayaan at hindi niya rin naman ito pinapayagan, umaasa siyang iimbestigahan ng COMELEC ang naging resulta at dapat ipakita sa tao kung ano ang totoong nangyari.

Matatandaang marami sa mga botante ang naghintay ng ilang oras at iniwan ang kanilang mga balota sa mga Board of Election Inspectors (BEIs) dahil sa mga nasirang VCM.


Nauna na rin sinabi ng COMELEC na nasa 1,800 VCMs ang nagkaaberya ngunit giniit ng poll body na tama ang bilang ng boto at hindi dapat ito pagdudahan.

Facebook Comments