Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglulunsad ng vaccination program.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mahalagang masimulan ang pagpapabakuna sa lalong madaling panahon para agad luwagan ang community quarantine.
Batid ng Pangulo ang kahalagahan ng pagbubukas ng ekonomiya, pero kailangan niyang magbigay ng mataas na pamantayan para sa kalusugan at kaligtasan ng publiko.
Sabi pa ni Roque na ayaw ng Pangulo na ibaba sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang buong bansa hanggang hindi naisasagawa ang vaccine rollout.
Tingin naman ni Roque na handa na ang Pilipinas na lumuwag sa MGCQ sa harap ng banta ng COVID-19 pandemic.
Facebook Comments