Pangulong Duterte, pinadadagdagan ang mga upuan sa NAIA para sa mga LSI

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Tranportation (DOTr) na dagdagan ang mga upuan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos mabatid ng Pangulo na maraming pasahero ang natutulog sa labas ng mga terminal.

Sa kanyang public address, inatasan ni Pangulong Duterte si Transportation Secretary Arthur Tugade na alisin ang ilang restaurants sa paliparan para mabigyang daan ang maraming upuan sa mga pasahero.


Binanatan din ni Pangulong Duterte ang nagdisenyo ng paliparan dahil sa kakaunting mga upuan.

Aniya, maituturing itong “classic” case ng kapabayaan ng pamahalaan.

Nabatid na libo-libong Locally Stranded Individuals (LSI) ang naghihintay ng kanilang biyahe pauwi sa kanilang mga probinsya.

Facebook Comments