Handa ang pamahalaan na magpaliwanag sa Senado ukol sa COVID-19 vaccination efforts nito sa ngalan ng transparency.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, inatasan ni Pangulong Duterte si Finance Secretary Carlos Dominguez III na dumalo sa pagdinig para ipaliwanag ang pandemic response ng pamahalaan, kabilang ang pondo para sa vaccination program.
Aniya, magbibigay ng sagot ang pamahalaan kahit paulit-ulit na lamang ang mga itinatanong ng mga mambabatas.
Ang pamahalaan ay magbibigay ng periodic reports patungkol sa COVID at iba pang isyu dahil karapat-dapat lamang na malaman ng mga tao ang katotohanan.
Kaugnay nito, sinabi ni National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon na bukas sila panawagan ng mga senador na silipin ang paggamit sa ₱82.5 billion na budget para sa vaccination program.
Ibabahagi aniya ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang mga detalye ukol paggamit ng nasabing pondo.
Ang Senado ay nakatakdang magsagawa ng pagdinig ngayong araw sa kung paano ginagamit ng pamahalaan ang public funds para sa vaccination program.