Pangulong Duterte, pinag-iingat ang mga pulis at sundalo sa red tagging

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at sundalo na mag-ingat lalo na sa pagre-red tag sa sinuman bilang sympathizers ng mga rebeldeng komunista.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagbigay ng babala ang Pangulo kay Southern Luzon Command Chief Lieutenant General Antonio Parlade Jr. laban sa pagre-red tag sa sinuman na walang ebidensya.

Ang suhestiyon pa aniya ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi na dapat isinasapubliko ang mga hinihinalang komunista.


Matatandaang hinimok ni Parlade ang aktres na si Liza Soberano at si Miss Universe 2018 Catriona Gray na putulin ang ugnayan nito sa women rights organization na Gabriela.

Facebook Comments