Manila, Philippines – Hindi pa opisyal na tinatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ni US President Donald Trump na bumisita sa Amerika.
Ayon sa Pangulo, masyado siyang abala kaya’t hindi niya maipangako ang pagbisita sa Estados Unidos.
Mayroon din anyang mga naunang imbitasyon sa kanya gaya ng China, Russia, Japan at Israel.
Pagkatapos ng ASEAN Summit nitong Sabado, nag-usap ang Pangulo at si Trump sa ikalawang pagkakataon kung saan inimbitahan nito si Duterte na bumisita sa Amerika.
Samantala sabi ng Department of Foreign Affairs, gusto ng Amerika na komunsulta hinggil sa sitwasyon sa Korean Peninsula.
Maari anilang sa mga susunod na buwan na ang White House visit ng Pangulo dahil “urgent” ang isyu.
Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang DFA sa White House para sa pagsi-set ng petsa sa pagbisita ni P-Duterte sa Washington DC.
DZXL558